RLECC-2, Nagpulong upang Talakayin ang Iba’t -ibang Isyu sa Lambak ng Cagayan

*Cauayan City, Isabela*- Muling nagpulong ang ilang kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa ikaapat na yugto ng Regional Law Enforcement Coordinating Committee 2 (RLECC2) ngayong araw sa pangrehiyong tanggapan ng Police Regional Office-2.

Pinangunahan ito ni Regional Director P/BGen. Angelito Casimiro ng PRO-2 na pawang sentro ng usapin ay ang ilang hakbang ng kapulisan kaugnay sa kriminalidad na binigyang-diin ni P/Lt. Col. Emil Tumibay, Acting Chief, Regional Investigation and Detective Management Division kung saan bumaba ang bilang ng insidente batay sa datos simula Enero hanggang Oktubre taong kasalukuyan.

Binigyang diin naman ni P/BGen. Casimiro na ang nangyaring pagbaba ng bilang ng krimen sa lambak ng Cagayan ay dahil sa patuloy pagpapatupad ng hakbangin gaya ng pagpapatrolya, pagsasagawa ng checkpoint at implementasyon ng “Oplan Bakal Sita” at ilan pang aktibidad ng kapulisan.


Dagdag pa nito na sa parehong panahon, nauukol ang implementasyon ng RA 9165 na bumaba ng 28.8 porsyento dahil sa patuloy na drug clearing operation na pinapangunahan ng PDEA at Kapulisan sa rehiyon.

Pinuri naman ni PIA Regional Director Purita Licas ang patuloy na pagsisikap ng mga otoridad at kapansin-pansin ang pagbaba ng krimen sa lokalidad.

Samantala, pinag usapan din ang sinasabing iligal na pamumutol ng kahoy sa hilagang bahagi ng Cagayan at ang insidente sa mga lansangan na at ang isyu sa African Swine Fever ng Department of Agriculture.

Facebook Comments