RMN at iFM Cebu, muli na namang namayagpag sa survey ng KBP-Kantar ngayong ikatlong kwarter ng 2021

Muli na namang namayagpag ang RMN at iFM Cebu sa kamakailan lamang na survey ng KBP-Kantar ngayong ikatlong kwarter ng 2021.

Nakakuha ang DYHP RMN 612 ng 1.61 na rating at 58.3% market share upang maungusan ang DYSS Super Radyo 999 na mayroong 0.72 na rating at 26.3% market share; at DYMF Bombo Radyo 963 na mayroong 0.29 rating at 10.53% market share.

Taos-puso ang naging pasasalamat ni Atty. Ruphil Bañoc, Station Manager ng RMN Cebu dahil sa patuloy na suporta sa kanilang istasyon dahil sa naging teamwork ng AM at FM stations sa Cebu na naging susi upang maabot ang tagumpay.


Maliban sa RMN Cebu, hindi rin nagpahuli sa Kantar Survey ang DYXL iFM 93.9 na nasa ikalawang pwesto sa lahat ng FM station.

Mayroon itong 0.54 rating at 12.5% market share na sumunod sa DYWF Brigada News FM.

Tiniyak naman ni Brent Pleños o kilala bilang Radyoman Boyki, Station Manager ng IFM Cebu ang patuloy na paglilingkod ng kanilang istasyon sa publiko.

Sa ngayon, nagpaabot ng pagbati si Mr. Rico Canoy, Executive Vice President at Chief Operating Officer ng RMN sa dalawang istasyon ng Cebu at tiniyak ang tuloy-tuloy na impormasyon, balita, komentaryo, musika, at serbisyo publikong hatid ng RMN at iFM sa Cebu province.

Facebook Comments