Kasabay ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Radio Mindanao Networks, binalikan ng ating Radyoman, RMN Chairman and President Mr. Eric S. Canoy kung saan nagsimula ang RMN Networks.
Ayon kay Sir Eric, libangan ng kanyang tatay, ang RMN Founder na si Don Henry R. Canoy ang pagbutingting ng mga bagay kung saan naisipan nito na magtayo ng isang community radio para magbigay ng serbisyo publiko sa kanilang lugar sa Cagayan de Oro City.
August 28, 1952, dito na isinilang ang unang RMN Station, ang DXCC 828 – RMN Cagayan de Oro City kung saan noong July 04, 1952 isinagawa ang test broadcast.
Makalipas ang ilan taon, itinayo na rin ang iba pang istasyon ng RMN sa
Iligan, Butuan at Davao City na layong magbigay ng entertainment at serbisyo publiko.
Lumaganap naman ang RMN station sa Visayas at Mindanao noong 1962 matapos na makipagsanib pwersa ang RMN sa negosyanteng si Andres Soriano para sa kauna-unahang tri-media, ang RMN-IBC-Philippine Herald.
Kaakibat ng bagong tagline ng rmn na “Reaching Millions Nationwide and Worldwide”, hindi na lang mapapakinggan sa radyo ang mga RMN station kundi mapapanood na rin tayo sa iba’t ibang social media platforms.