RMN Christmas lighting, naging matagumpay!

Naging matagumpay ang kauna-unahang nationwide Christmas tree lighting ng Radio Mindanao Network (RMN) kahapon.

Alas-5:30 kahapon ng hapon ng sabay-sabay na pinailaw ng bawat himpilan ng RMN at iFM station sa buong bansa ang kani-kanilang Christmas tree.

Pinangunahan ni Mr. Buddy Oberas, OIC Station Manager ng DZXL RMN-Manila ang Christmas tree lighting kung saan nagbigay pa ito ng mensahe para sa lahat.


Bukod kay Sir Buddy, nagbigay din ng kaniyang maiksing mensahe ang station manager ng iFM Manila na si Mr. Rob Evangelista para sa aming giliw na tagapakinig.

Dalawa naman ang maswerteng nanalo matapos silang magsabit ng Christmas wish na trabaho o dream job para sa 2019 at ito ay sina Teresita Cabo, na nag-wish ng kaniyang sarling pagkakakitaan para may pambili ng gamot para sa kaniyang apo na may butas ang puso at Nelia Gatbonton, na humiling ng pedicab para magkaroon na din ng sariling negosyo.

Ang ningning mula sa ilaw ng RMN Christmas tree nationwide ay magsisilbing inspirasyon sa patuloy na paghahatid ng serbisyo at pagbibigay ng pag-asa sa bawat tagapakinig at sambayanang Pilipino kung saan mapapanood sa Facebook account na RMN News ang video ng nationwide Christmas tree lighting.

Facebook Comments