RMN Christmas Tree Lighting ng iFM Dagupan, tagumpay

Tagumpay ang RMN Christmas Tree Lighting na idinaos noong ika-20 ng Disyembre ngayong taon sa Broadcast Center ng iFM Dagupan.
Pagpatak ng 6:00 ng gabi pormal ng pinailawan ang RMN Christmas Tree sabay sa iba’t-ibang himpilan ng RMN at IFM sa Pilipinas.
Pinangunahan ni Station Manager Mark Espinosa ng iFM Dagupan na nagbigay ng mensahe sa lahat ng idol na patuloy na sumusuporta sa RMN.
Anim na katao ang maswerteng nabigyan ng grocery items at ACS Products matapos magsabit ang mga ito ng kanilang kahilingan sa RMN Christmas Tree.
Ito na ang ikalawang taon ng RMN Christmas Tree Lighting.
Mga nanalo ng grocery items: *Heidi Barcel *Jethro Austria *Mary Ann Llmas
Mga nanalo ng ACS Products: *Jean Sabeniano *Cherry Rose Villamil *Almar Mararac
###

Facebook Comments