Bagaman patuloy pang nagpaparekober matapos masunugan, lubos ngayon ang pagpapasalamat ng mga residente ng Purok Sibuyan sa Mother Barangay Rosary Hieghts sa Cotabato City sa ayudang natanggap mula sa RMN Cotabato- DXMY .
Kinabibilangan ng 5 kiong bigas, canned good at noodles ang ibinahagi ng DXMY News Team sa mga 40na pamilyang napektuhan ng sunog.
Nagsagawa rin ng feeding program para sa mga kabataan maging sa mga magulang ng mga ito ang DXMY. Kaugnay nito, bagaman hindi kalakihan ang naipaabot na ayuda, umaasa parin si Erwin Cabilbigan, Station Manager ng RMN Cotabato, na makakatulong sa mga ito ang hatid ng DXMY.
Nagpapasalamat rin si Manager Cabilbigan sa lahat ng nagbahagi ng kanilang tulong , kabilang ang STI Cotabato College at ginawang instrumento ang DXMY para mapaabot ang mga ito sa mga taga Purok Sibuyan.
Ang naging inisyatiba ng DXMY ay upang ipadama sa publiko na hindi lamang magtatapos sa paghahatid ng tamang mga balita ang responsibilidad ng mga Radyoman, kundi nakahanda ring umalalay ang mga ito lalo na sa panahon ng pangangailangan.
Matatandaang gabi ng February 12 ng maitala ang insidente na nagresulta sa pagkakasunog ng mahigit 20 kabahayan.
RMN Cotabato nagpaabot ng ayuda sa mga nasunugan sa Cotabato City
Facebook Comments