RMN, dominante pa rin sa General Santos City

Binabati ng Radio Mindanao Network (RMN) ang ating mga radyoman sa General Santos City dahil sa pagiging number 1 sa official second quarter 2021 KBP Kantar Survey.

Lumalabas sa survey na ang RMN ay nakakuha ng Network Listening Share ng 64.6%.

Ang DXMD RMN General Santos ay nag-domina sa AM band na may 77.8% market share.


Pagtitiyak ni DXMD RMN General Santos Station Manager Inah Daven, na patuloy silang maghahatid ng serbisyo publiko sa buong SOCCSKSARGEN region.

Hindi rin magpapahuli ang 91.9 iFM General Santos na nangungunang FM station na may 62.8% market share.

Sinabi naman ni iFM General Santos Station Manager Armand Enriquez, nagsilbing motivation sa kanila ang pandemya para magsumikapat maabot ang tagumpay na ito.

Patunay ito na ang General Santos ay certified RMN Radio City!

Congratulations mga Radyoman!

Facebook Comments