RMN DYHP at iFM 93.9, nangunguna pa rin sa buong Cebu!

Number 1 pa rin ang RMN Networks sa buong Cebu City!

Batay sa 1st quarter 2019 Kantar Media listenership survey, kapwa nangunguna ang DYHP 612 RMN Cebu at 93.9 iFM pagdating sa share of audience listenership na nakakuha ng 34%.

Muli rin namang pinatunayan ng DYHP RMN Cebu ang pagiging “King of All AM Stations” nito hawak ang 71% market share laban sa iba pang istasyon na mayroon lang 29% market share.


Patunay ito na ang DYHP pa rin ang numero unong pinagkakatiwalaan ng mga Cebuano pagdating sa balita, komentaryo, drama at public service.

Kaugnay nito, nagpaabot ng pagbati at papuri si RMN Networks Vice President for Operations Rico Canoy sa masisipag at talented RadyoMaN team ng DYHP sa pamumuno ng station manager nito na si Atty. Ruphil Bañoc gayundin sa mga idol natin mula sa iFM sa pamumuno naman ni Mr. Raul Credo.

Nangako naman si Atty. Bañoc na laging ibibigay ang lahat ng kanilang makakaya sa paghahatid ng balita at serbisyong publiko para sa mga Cebuano.

Nagpasalamat naman si Mr. Credo sa patuloy na pagtangkilik ng mga Cebuano sa 93.9 iFM Cebu.

Facebook Comments