
Pormal nang pumirma sa isang kasunduan ang RMN Foundation at ang pamunuan ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Medical Center.
Pinangunahan ito nina Mr. Enrique Maximo Mariano O. Canoy, VP for Operations ng RMN Foundation Inc.; Mr. Patrick Aurelio, Corporate Social Responsibility Officer ng RMN Foundation, Dr. Alfonso Victorino Famaran Jr., Medical Center Chief II ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Medical Center kasama ang iba pang opisyal ng hospital.
Isa sa mga layunin ng aktibidad ay para palakasin pa ang ugnayan ng RMN Foundation at Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Medical Center.
Sa naging pahayag nina Canoy at Famaran, kapwa sila nagpapasalamat sa nagiglng partnership kung saan malaking bagay ito para mas marami pa ang matulungan sa mga darating na proyekto.
Ilan sa mga ito ay ang nalalapit na RMN Networks Dugtong-Buhay Blood Donation Project na gagawin sa buwan ng April, May, June at July.