RMN Foundation at Metrobank Foundation, muling magkakapit-bisig para sa nalalapit na anibersaryo sa Setyembre

Muling magsasanib-pwersa ang RMN Foundation Inc., at ang Metrobank Foundation para sa nalalapit na anibersaryo ng dalawang foundations sa Setyembre.

Ayon kay Metrobank Foundation Inc. Executive Vice President Philip Francisco Dy, kabilang sa mga nakalinyang event ng Metrobank Foundation ang pagbibigay parangal sa mga bayaning sundalo, pulis at guro.

Target din aniya ng Metrobank Foundation na iangat ang kabuhayan ng mga magsasaka.


Ang RMN Foundation ay matagal nang partner ng Metrobank Foundation sa pagbibigay ng serbisyo sa mga Pilipino.

Ang RMN Foundation at Metrobank Foundation ay kapwa participants sa League of Corporate Foundations o LCF Expo 2023 na ginaganap ngayon sa Makati City.

Facebook Comments