RMN Foundation at Philippine Red Cross, lumagda sa panibagong kasunduan hinggil sa partnership sa serbisyo publiko

Mula sa taunang paglalagda sa kasunduan para sa partnership sa pagbibigay serbisyo publiko, ginawa ng RMN Foundation at ng Philippine Red Cross na tatlong taon ang memorandum of agreement nito.

This slideshow requires JavaScript.

Ayon kay RMN Vice President and RMN Corporate Communications Head Enrique “Ikey” Canoy, layon nito na mas mapalawak ang kanilang pagbibigay ng serbisyo publiko.


Kinumpirma rin ni Ginoong Canoy na maraming dapat abangan ang kanilang pinalawak na mga programa hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa iba’t ibang lalawigan katuwang ang mahigit 60 radio stations ng RMN News sa iba’t ibang mga lalawigan.

Pinasalamatan naman ni RMN OIC/Corporate Social Responsibility Officer Patrick Aurelio ang mga sektor na tumutulong sa kanilang paghahatid-serbisyo sa publiko.

Ang partnership ng RMN Foundation at ng Philippine Red Cross ay nagsimula noong taong 2019.

Facebook Comments