RMN Foundation at PRC, muling lumagda ng kasunduan para sa pagpapalakas ng partnership sa serbisyo-publiko

Muling lumagda ang RMN Foundation at Philippine Red Cross ng partnership para sa mas malawak at malakas na serbisyo-publiko.

Pinangunahan nina RMN Networks President and Chairman Eric Canoy at Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA ).

Dumalo rin sa MOA signing sina RMN Networks Executive Vice President and Chief Operating Officer Erika Canoy-Sanchez at RMN Networks Corporate Communications Head Enrique Canoy at Philippine Red Cross Secretary General Dr. Gwendolyn Pang.


Ayon kay Gordon, malaking bagay ang pagpapatuloy ng partnership ng Red Cross at RMN Foundation lalo na ngayon na pinalalakas nila ang kanilang kampanya para makakuha ng maraming blood donors.

Facebook Comments