RMN Foundation at USAID, muling lumagda sa kasunduan para maprotektahan ang mga mangingisda sa WPS

Muling lumagda ang RMN Foundation at ang United States Agency for International Development o USAID sa memorandum of agreement (MOA) para sa pagprotekta sa mga mangingisdang Pilipino.

Ayon kay RMN Foundation Vice President for Operations Enrique “Ikey” Canoy, sa pamamagitan ng naturang kasunduan, maibabahagi nila sa mga mangingisda ang mga kaalaman na magpapa-angat sa kanilang kabuhayan.

Ito ay sa pamamagitan ng entertainment program na mapapakinggan at mapapanood sa mga himpilan ng RMN Networks.


Inaanyayahan naman ni Ginoong Canoy ang publiko na subaybayan ang ilulunsad nilang programa para sa pagprotekta sa mga mangingisda lalo na sa West Philippine Sea.

Facebook Comments