RMN Foundation Dugtong-Buhay 2023 Caravan, dinagsa ng mga blood donor sa San Jose del Monte, Bulacan

Dinagsa ng mga donor ang bloodletting program ng Radio Mindanao Network (RMN) Foundation kung saan magsasagawa ito ng Dugtong-Buhay 2023 Caravan sa San Jose del Monte, Bulacan.

Aktibo ang mga barangay opisyal sa naturang lugar dahil halos linggo-linggo nagsasagawa sila ng bloodletting program sa Melody Plains, Covered Court Muzon, San Jose del Monte, Bulacan.

Katuwang ng RMN Foundation sa isinagawang bloodletting program ang RMN, DZXL, DWWW, I-FM, Philippine Red Cross at Home Suite na nagsimula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.


Ayon kay Patrick Aurelio ng RMN Foundation Inc., hindi siya makapaniwala sa dami ng mga tumugon sa panawagan na magdonate ng dugo kung saan malaking maitutulong ang isinagawang bloodletting program upang makapagbigay ng dugo sa mga nangangailangan ng tulong.

Kanina ay nagpalaro ang RMN, DWWW at DZXL, namigay ng mga papremyo sa mga donor at listener na nakiisa sa isinagawang bloodletting activity.

Sa mga nais naman na makibahagi sa pagtulong ng RMN Networks Dugtong-Buhay Caravan 2023 ay maaring makipag-ugnayan sa rmnfoundation facebook page.

Facebook Comments