11 araw na lang ay Pasko na! Kaya naman, handog ng RMN Foundation ang taunan nitong “Makakarating Ngayong Pasko,” na RMN Christmas project.
Katuwang ang Metrobank Corporation, Ronald McDonald House Charities (RMHC), Inner Wheel Clubs of the Philippines District 383, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium, Philippine Information Agency-NCR, DPWH South Manila District Engineering Office, Institute for Solidarity of Asia, PharmaTree Inc, Pfizer Philippines Foundation, Bigay Buhay Multipurpose Cooperative – BBMC-LERC, iFM 93.9 Manila Manila, DWWW 774, at DZXL News 558 ay maghahandog tayo ng gift giving, feeding, dental services, zumba wellness at iba pang serbisyo at kasiyahan para sa mga pamilya at batang may kapansanan ng Bigay-Buhay Multipurpose Cooperative-Livelihood, Education, and Resource Center (LERC) sa Tala, Caloocan City bilang bahagi na rin ng selebrasyon ng International Persons With Disabilities month.
Nagpaabot ng pasasalamat ang RMN Foundation sa mga donor, partner at volunteer na katuwang para sa gaganapin na proyektong ito na tiyak na Makakarating Ngayong Pasko!