RMN Foundation, magsasagawa ng Dugtong Buhay 2023 Caravan sa San Jose, Del Monte, Bulacan

Aarangakada na ngayong araw ang Bloodletting program ng RMN Foundation kung saan magsasagawa ng Dugtong Buhay 2023 Caravan ang RMN Networks sa San Jose, Del Monte, Bulacan.

Gagawin ang Bloodletting program sa Melody Plains Covered Court Muzon San Jose, Del Monte, Bulacan simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Katuwang ng RMN Foundation sa gagawing Bloodletting program ang RMN, DZXL, DWWW, i-FM, Philippine Red Cross at Home Suite.


Ayon kay Patrick Aurelio ng RMN Foundation, malaki ang maitutulong ng isasagawang Bloodletting program ng RMN Foundation sa mga residente ng Barangay Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan upang makapagbigay ng dugo sa mga nangangailangan nito para makapag dugtong buhay.

Nagsimula umarangkada ang Dugtong Buhay Caravan 2023 noong nakaraang buwan sa Cavite City at ngayon naman sa San Jose Del Monte Bulacan at sa susunod na buwan sa Headquarter ng Philippine Red Cross sa June 14 sa Celebrasyon ng World Blood Donor’s at Month at tuloy-tuloy itong gagawin hanggang sa Bicol Region.

Facebook Comments