RMN Foundation, may mga nakalinya nang programa para sa taong 2023

Asahan pa ang mga programa ng RMN Foundation Inc., para sa publiko ngayong taon at sa mga susunod na taon.

Ayon kay RMN Networks Executive Vice President and Chief Operation Officer Erika Canoy-Sanchez, bukod sa partnership ng RMN Foundation sa Philippine Red Cross, patuloy rin ang kanilang pakikipagtulungan sa mga institusyon para sa paghahatid ng serbisyo-publiko.

Pinasalamatan din ni Canoy-Sanchez ang mga empleyado ng RMN Networks na nakiisa sa bloodletting drive ngayong araw ng RMN Foundation at ng Philippine Red Cross.


Ang bloodletting drive ay isinagawa ng RMN Foundation at Philippine Red Cross dalawa hanggang apat na beses kada taon.

Layon nito na madugtungan ang buhay ng mga kababayan nating nangangailangan ng dugo lalo na ang may mga malubhang karamdaman.

Hinihimok naman ng Philippine Red Cross ang mga nais pang magdonate ng dugo na magtungo lamang sa Local Red Cross chapters sa kanilang mga lugar.

Facebook Comments