Tinatayang aabot sa isang libong pamilya na naapektuhan ng Bagyong Maring ang naabutan ng tulong ng RMN Foundation
Sa isinagawang Oplan Tabang ng RMN Foundation sa tulong ng Metrobank Foundation, Inc., GT Foundation, Inc. at kolaborasyon sa 103.9 iFM Baguio at Philippine Military Academy, nagpamahagi sila ng grocery pack, Christmas bag at veggie pack sa bawat pamilya.
Noong Nobyembre 8, 2021, natanggap ng 250 pamilya mula sa Brgy. Dalipey, Bakun at 250 na pamilya rin sa Brgy. Poblacion, Kibungan ang handog na ayuda.
Habang noong Nobyembre 9, natanggap din ng tig-225 pamilya mula Brgy. San Pascual at Brgy. Wangal, La Trinidad ang tulong mula sa RMN at partner agencies.
Facebook Comments