Sa ikalawang araw ng Oplan Tabang, handa na ang RMN Foundation at Inner Wheel Clubs of the Philippines sa pamamahagi ng hygiene kits at relief packs sa mga residente ng Dingalan, Aurora.
Partikular ang mga naapektuhan ng Bagyong Karding.
Nasa 600 na pamilya mula sa Brgy. Poblacion ang target na mabigyan ng hygiene kits at relief packs.
Kagabi pa lamang ay mano-mano nang ni-repack ng RMN Foundation at Inner Wheel Clubs of the Philippines ang mga hygiene kit na naglalaman ng towel, toothpaste, toothbrush, shampoo at sabon.
Bukod dito, all set na rin ang mga relief pack na naglalaman ng limang kape, apat na packs ng pancit canton, apat na sardinas, tatlong kilong bigas at isang anim na litrong tubig na nakalagay sa ecobag.
Matapos naman ang pamamahagi sa Brgy. Poblacion, tutungo ang RMN Foundation sa mga residenteng lubos na naapektuhan ng Bagyong Karding sa Brgy. Davil-davilan sa Dingalan, Aurora.