RMN Foundation, nagpasalamat sa tiwala ng Metrobank Foundation bilang katuwang nito sa pagbibigay tulong

18

Sa ikalawang pagkakataon, muling nakasama ang RMN Foundation bilang isa sa mga napiling mabigyan ng suporta ng metrobank foundation.

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-37 anibersaryo ng Metrobank, napili nila ang RMN Foundation dahil sa dedikasyon at hangarin nito na tumulong sa kapwa.


Ayon kay Ms. Carmela Cabactan, corporate Social Responsibility Manager ng RMN Foundation, malaking bagay ang maging isa sa mga katuwang ng Metrobank Foundation kung saan maipagpapatuloy nila ang pagbibigay tulong sa mga nangangailangan.

Dahil din dito, ilang proyekto ang muling isasagawa ng RMN Foundation bukod pa sa nasimulan nang proyekto kasama ang Metrobank.

Nagpapasalamat din si Ms. Carmela sa tiwala ng Metrobank Foundation at dahil nga dito ay maipapagpatuloy ng RMN Foundation ang nasimulan ng proyekto at iba pang tulong mula Luzon, Visayas at Mindanao.

Facebook Comments

From Advertisers