Lumapag na sa Butuan Airport ang Radio Mindanao Network (RMN) Management Team na maghahatid ng tulong sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Odette.
Ayon kay RMN Foundation Corporate Social Responsibility Assistant Patrick Aurelio, 700 pamilya mula sa Cebu, Bacolod, Dinagat Island at Surigao ang target nilang maabutan ng paunang tulong.
Maliban sa inuming tubig na pinaka kailangan ng mga biktima ng bagyo, makakatanggap din ang bawat pamilya ng mga de lata, bigas, kape, at noodles sa makakatulong bilang pantawid sa apat na araw nilang pangangailangan.
Lubos naman ang pasasalamat ng RMN Foundation sa mga partner agency ng ating Oplan Tabang Relief Operation kabilang ang Pfizer Philippines Foundation gayundin ang RMN-DXBC Butuan at RMN-DYHB Bacolod na umaalalay sa paghahatid ng mga tulong.
Samantala, patuloy pa rin ang pagtanggap ng RMN Foundation ng cash donations para sa mga kababayan nating naapektuhan ng bagyo.
Sa mga nais magbigay ng tulong, mangyaring ipadala lamang sa:
UCPB ACCOUNT NUMBER: 201-340-005-360
BPI ACCOUNT NUMBER: 0071-1015-25
PAYPAL.ME: RMN FOUNDATION