RMN Gensan handa na para sa Anibersaryong pasasalamat ng Ika 66th Year Anniversary ng RMN Networks

General Santos City—Handang handa na ang RMN Gensan para sa gagawing Anibersaryong pasasalamat na gagawin bukas sa Gaisano Mall og Gensan na magsisimula alas 9:30 ng umaga.

Ito’y parte ng ika 66th year anniversary ng RMN Networks bukas August 28, 2018. Sinabi ni RMN Gensan Station Manager Inah Daven na aabot ng 3,000 ang target beneficiary ng RMN Gensan sa gagawing Medical at dental mission kasama na dito ang libreng gupit, manicure at pedicure. May feeding din para sa mga batang pupunta sa nasabing programa.

Dagdag pa ni Station Manager Inah Daven na taon-taon nang ginagawa ng RMN Gensan ang nasabing programa kasabay ng ika-66th Year anniversary ng RMN networks bilang pasasalamat sa lahat nga mga tagasuporta at listeners na patuloy na sumusuporta sa RMN mula nuon hanggang ngayon.


Samantala labis labis din ang pasasalamat ng panumuan ng RMN Gensan kasama ng lahat ng staff sa lahat nga mga tumulong para maging posible ang nasabing Medical mission.

Facebook Comments