RMN, humahataw ang ratings sa Butuan! Number 1 sa AM Category

Dumadagundong sa himpapawid ang Radio Mindanao Network (RMN) sa siyudad ng Butuan City.

Batay sa second quarter 2021 Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) – Kantar Official Survey, ang RMN Networks ay nangunguna na may total listenership share na 43.3%.

Dominante sa lahat ng AM Stations ang DXBC 693 RMN Butuan na may matatag na listenership share na 87.26%, habang nasa Top 4 sa FM band ang DXXX 100.7 iFM Butuan na may listenership share na my 9.81%.


Ipinapaabot ni DXBC RMN Butuan Station Manager Ramil Bangues ang kanyang pasasalamat sa mga masugid na tagapakinig para sila ay maging Number 1 AM radio station sa buong Butuan.

“Dahil sa inyo, kami po ang nagiging overall number 1 AM radio station in Butuan sa pinaka-latest na survey ng KBP-Kantar Radio Research. Kami po ay nagpapasalamat sa tiwala ninyo mga tagapakinig. Kami po ay nasisiyahan at nagagalak. Maraming salamat sa inyong suporta,” sabi ni SM Bangues.

Sa Facebook message, binabati ni RMN Executive Vice President and Chief Executive Officer Rico Canoy ang lahat ng bumubuo ng RMN Butuan at iFM sa pangunguna ni SM Bangues.

Saludo si Mr. Canoy sa kanilang pagpapakita ng kredibilidad, professionalism, passion at pagsisikap sa paghahatid ng balita, komentaryo, at serbisyo publiko na Tatak RMN!

Sa ngalan ng management at board of directors ng RMN Networks, nagpapasalamat si Mr. Canoy sa loyal listeners na bahagi ng tagumpay na ito, maging sa adverstising clients, at partners sa patuloy na pagtitiwala.

Pagtitiyak ni Mr. Canoy na patuloy ang RMN na maghahatid ng mga programa at serbisyong publiko para sa Butuanons at sa mga kababayan natin abroad sa pamamagitan ng RMN Digital Channels lalo na ngayong pandemya.

Congratulations mga Radyoman!

Facebook Comments