RMN, namamayagpag pa rin ang ratings sa Cauayan, Kalibo at Butuan

Lubos na maipagmamalaki sa Radio Mindanao Network (RMN) ang pamamayagpag sa ratings ng ilang himpilan nito sa second quarter 2021 Audience Measurement Surveys ng Nielsen.

Matapos ang tatlong taon, nagkaroon muli ang RMN ng number one station sa Luzon, ito ay ang 98.5 iFM Cauayan na may 39.1% market share, kung saan pinukaw nito ang mga tagapakinig sa pamamagitan ng balita, serbisyo publiko, musika at entertainment.

Nagpapasalamat si iFM Cauayan Station Manager Chris Estolas sa lahat ng mga sumusuporta at umaasa siyang magpapatuloy ito.


Dominante pa rin ang RMN sa Visayas dahil ang tumaas pa ang listenership ng DYKR RMN Kalibo na may market share na 58.5%.

Lubos ding nagpapasalamat si DYKR RMN Kalibo Station Manager DT Joy Gener sa lahat ng mga tumatangkilik at nagtitiwala sa kanilang mga programa, drama at serbisyo publiko.

Mananatiling balwarte ng RMN pagdating sa ratings ang Mindanao dahil ang DXBC RMN Butuan ay numero uno pa ring AM radio station na may market share na 90.4%.

Para kay DXBC RMN Butuan Station Manager Ramil Bangues, lubos silang natutuwa sa pagiging ‘back-to-back’ number one kaya nagpapasalamat sila sa mga avid listeners mula sa Caraga Region at iba pang lalawigan.

Sa statement, binabati ni RMN Executive Vice President and Chief Operating Officer Rico Canoy ang lahat ng bumubuo ng iFM Cauayan, RMN Kalibo, at RMN Butuan sa tagumpay na kanilang tinamasa.

Kinikilala ni Mr. Canoy ang tibay at pagsisikap ng lahat ng media frontliners para ihatid ang mga balita, serbisyo publiko at entertainment na Tatak RMN! Kahit ngayong pandemya.

Nagpapasalamat si Mr. Canoy sa mga masugid na tagapakinig, advertising clients at partners sa patuloy na suporta.

Congratulations mga Radyoman!

Facebook Comments