Kinilala ni RMN Networks Incorporated Chairman and President Eric Canoy ang malaking kontribusyon sa mga komunindad ng mga finalists sa Developmental Social Enterprise Awards ng Benita and Catalino Yap Foundation.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Ginoong Canoy na kahanga-hanga ang social objectives ng naturang mga organisasyon dahil hindi lamang ang kanilang mga komunidad ang makikinabang dito kundi ang buong bansa.
Ayon naman kay BCYF Founder and Chairman Antonio Yap, hindi niya akalain na lalawak pa ang kanilang sinimulan noon na livelihood training sa ilang indibidwal.
Tiniyak naman ni RMN Vice President for Operations and RMN Corporate Communications Head Enrique “Ikey” Canoy ang patuloy na pagsuporta ng RMN Foundation sa mga adhikain ng BCYF.
ANG RMN Foundation at BCYF ay magkatuwang sa paghahatid serbisyo sa publiko.