
Nagpaabot ng pasasalamat si Manay Mayor JM Dayanghirang matapos matagumpay na naisagawa ang RMN Oplan Tabang kahapon, Oktubre 17, para sa mga residenteng apektado ng lindol.
Nakalikom din ng maraming donasyon mula sa mga tagapakinig ng DXDC RMN Davao at 93.9 iFM Davao na agad namang hinatid sa mga biktima ng naturang kalamidad.
Kabilang sa mga ipinamigay sa Barangay Centro at Barangay Rizal ang 600 trapal, 600 banig, 1,000 litro ng malinis na tubig, mga sabon, at 600 food packs.
Ayon kay Kagawad Mary Ann Sumambot, umabot sa 421 pamilya mula sa siyam na purok sa kanilang barangay ang nakatanggap ng tulong.
Dagdag pa dito, 200 pamilya sa Baybay, Barangay Centro ang nabigyan din ng trapal at banig.
Samantala, naging emosyonal naman si Tatay Densio nang tanggapin ang tulong na siya ring nagpahayag ng kaniyang pasasalamat mula sa programa.









