RMN poll: Mas maraming sumang-ayon na ipahinto ang implementasyon ng K-12 program

Iminungkahi ng Kabataan Partylist sa kasalukuyang administrasyon na ipahinto ang K-12 program.

Sa poll na ginawa ng RMN News sa Facebook, lumabas na 68% ang sumang-ayon na hindi nakatulong sa mga estudyante ang programang ito habang 32% ang hindi sumang-ayon.

Mayroong 4,300 ang bumoto sa poll.


Ayon sa Kabataan Partylist, hindi solusyon ang K-12 Program sa bumabagsak na kalidad ng edukasyon sa bansa.

Dagdag pa nila, lalong lalala ang problema nito.

Pahayag din ng mga kongresista, milyun-milyong estudyante ang mapipilitang na yakaapin ang sistemang ito.

Facebook Comments