Naghahanda na ang RMN DZXL 558 Radyo Trabaho Team para sa isang araw na “RMN Radyo Saya.”
Iikot ang Radyo Trabaho Team sa Barangay Magtanggol sa munisipalidad ng Pateros, na walang positibong kaso ng COVID-19.
Dahil dito, 10 maswerteng residente ng barangay ang makakatanggap ng RMN bag at ACS bag.
Naglalaman ito ng grocery items, bigas, vitamins, face mask, alcohol at iba pang hygiene kit.
Mamimigay rin tayo ng cash prize para naman sa Unique Smile of the Day, kung saan kailangan lamang nilang magpa-picture sa ACS Photobooth.
Katuwang sa proyektong ito ng RMN Networks Inc. ang ACS Manufacturing Corporation, makers ng Unique Toothpaste.
Ang RMN Radyo Saya ay taunang isinasagawa ng network sa lahat ng stations nationwide para magbigay ng maagang handog at saya sa ating mga masugid na tagapakinig.