RMN SHOWBIZ | Dennis Padilla, dismayado daw kay Joshua Garcia; Bela Padilla, muling nag-post ng bikini picture sa social media para sa kaniyang mga bashers

Manila, Philippines – Dismayado ang aktor na si Dennis Padilla kay Joshua Garcia na rumored boyfriend ng kaniyang anak na si Julia Barreto.

Ayon kay astig, hindi daw kasi gumagawa ng paraan para si Joshua pag-usapan nila ni Julia ang mga bagay-bagay na hindi nila pinagkaka-unawaan.

Napansin kasi ni Dennis na tila nagiging tahimik at malungkutin ang kaniyang anak nitong mga nagdaang-araw pero ayaw naman daw nilang mag-ama na pag-usapan ang anuman tungkol kay Joshua.


Nabatid kasi na nagsimula ang isyu kina Julia at Joshua nang magkomento at magpadala ng mga private message ang teen actor sa isang babaeng netizen na nakilala lamang sa pangalang “Dane.”

Samantala, muling ipinakita ni Bela Padiila sa kaniyang social media ang picture nito habang nakasuot ng bikini.

Paraan daw ito ni Bela para asarin ang mga bashers na bumatikos sa kaniya noong mag-post siya ng picture noong February.

Ikinagulat kasi ng actress ang nasabing mga komento kaya hinayaan na lamang niya ito ay sinabing wala naman talaga itong perpektong pangangatawan.

Facebook Comments