Kinilala ng Civil Military Operations Group ng Philippine Navy ang Radio Mo Nationwide o RMN bilang isang stakeholder o partner sa pagpapalaganap ng kanilang mga programa na makatutulong sa sambayanang Filipino.
Kasabay ito ng ika-12 anibersaryo ngayong araw ng Civil Military Operations Group.
Ayon kay Vice Admiral Toribio Adaci, flag officer in command ng Philippine Navy malaking tulong ang kanilang mga partner media stations tulad ng RMN upang maiparating sa ating mga kababayan lalo na sa mga liblib na lugar ang mga programa ng pamahalaan.
Sa katunayan, ang ilang programa sa radyo sa ilang Geographic isolated areas tulad ng Zambasulta at Central Mindanao ay mahalaga ang role lalo na sa pagpapanibago ng mindset ng ating mga kababayan partikular na ang mga biktima ng injustice at karahasan.
Ang CMOG-PN ay sangay ng Armed Forces of the Philippines kung saan ang mandato nito ay non-traditional military task tulad ng civic action, public affairs, at psychological operations para sa counterinsurgency.