ROAD ACCIDENT | 1 patay, 4 sugatan sa salpukan ng motorsiklo at tricycle sa Aklan

Aklan – Patay ang isa habang apat na iba pa ang sugatan sa banggaan ng motorsiklo at tricycle sa Barangay Bulwang, Numancia, Aklan.

Dead-on-arrival sa Aklan Provincial Hospital ang driver ng motorsiklo na si Danilo Yabut, 65-anyos habang patuloy namang ginagamot ang sugatan nitong kapatid na angkas na si Jossel Yabut, 57-anyos.

Sugatan din ang tricycle driver na si Renel Taburnal, at mga pasaherong magkasintahan na sina Jonathan Michael Jansen, isang amerikano at Jonalyn Contreras.


Sa imbestigasyon ng pulisya, mabilis ang takbo ng motorsiklo at inukopa umano nito ang linya ng tricycle na nagresulta sa disgrasya.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at serious physical injury ang driver ng tricycle.

Facebook Comments