Quezon Province – Dalawa ang patay habang 14 ang sugatan sa banggaan ng tatlong sasakyan sa Barangay Santa Catalina, Atimonan, Quezon.
Kinilala ang nasawi na sina Shielo Corbito, 14-anyos at Evelyn Asiao, 57-anyos.
Sa ulat, nawalan ng kontrol ang truck driver na si Elmer Cabus kaya at nabangga ang van na minamaneho ni Ronnie Panteriore kung saan sa lakas ng impact, nasalpok din nito ang isa pang truck na minamaneho ni Randy Asiao.
Dahil sa insidente, dead on the spot ang dalawang biktima na sakay ng naturang van habang sugatan naman ang driver nito maging ang 12 iba pa kasama na ang driver ng truck na kasalukuyang ginagamot sa ospital.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang pananagutan ng driver ng truck.
Facebook Comments