ROAD ACCIDENT | 28 pasahero, sugatan matapos mahulog sa bukid ang sinasakyang bus sa La Union

La Union – Sugatan ang nasa 28 na pasahero matapos na mahulog ang isang bus sa bukid sa kahabaan ng Naguilian-Baguio road, Barangay Bato, Naguilian, La Union.

Galing sa Baguio at patungo sa Abra ang naturang bus na minamaneho ni Froilan Purruganan, 29-anyos nang mawalan ito ng preno.

Dumeritso at nahulog ang bus sa bukid na tinatayang anim na talampakan ang taas mula sa kalsada saka ito tumagilid.


Nasa mabutin kalagayan na ang mga sugatang pasahero kung saan inaalam na ng pulisya ang mga maaaring pananagutan ng driver at maging ang operator nito dahil sa naturang aksidente.

Facebook Comments