ROAD ACCIDENT | 3 kabilang ang isang pulis, sugatan sa banggaan sa Aklan

Aklan – Sugatan ang tatlong katao matapos na magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa boundary ng Barangay Linabuan Norte, Kalibo at Linabuan Sur, Banga, Aklan.

Kinilala ang mga sugatan na sina PO3 Darell Sagun, backrider nito na si Lady Lyn Corpuz at isang Ritchell Juanico.

Pauwi na ang pulis kasama ang backrider nito nang banggain sila ng kasunod na motorsiklo na minamaneho ni Juanico na nasa impluwensiya ng alak.

Hindi na nagawa pang makapreno ng pulis kaya at nagsalpukan sila kung saan agad na dinala sa Aklan Provincial Hospital ang mga biktima dahil sa mga tinamong bali at sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Facebook Comments