ROAD ACCIDENT | 3 patay, 5 sugatan matapos mahulog sa bangin ang pampasaherong jeep sa Zamboanga del Norte

Zamboanga del Norte – Tatlong katao ang patay, habang lima ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang pampasaherong jeep sa lungsod ng Katipunan sa lalawigan ng Zamboanga del Norte.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jeann Quitoan, 13-anyos; Ira Quitoan, 15-anyos, kapwa estudyante at Wilihado Lumanda, 50-anyos, mga residente ng Barangay Seroan sa naturang lungsod.

Sinabi ni PO1 Joerich Ramos ng PNP Katipunan, puno umano ng mga pasahero na pantawid beneficiaries at karga ang naaksidenteng jeep.


Batay sa ulat, dumaus-dos ang sasakyan nang dumaan na ito sa matarik na bahagi ng kalsada.

Dead on the spot ang nakababatang Quitoan, habang naisugod pa sa ospital ang iba ngunit hindi na umabot ng buhay ang dalawa pang nasawi.

Agad namang sumuko sa mga pulis ang driver ng pampasaherong jeep na naka-detain ngayon sa Katipunan Municipal Police Station.

Facebook Comments