ROAD ACCIDENT | 3, sugatan matapos mabagsakan ng malaking tipak ng bato sa Kennon Road, Benguet

Benguet – Patuloy na inoobserbahan sa Pines City Doctors Hospital ang tatlong katao matapos masugatan nang mabagsakan ng malaking tipak ng bato ang sinasakyan nilang SUV sa Camp 3 Kennon Road, Benguet.

Nakilala ang mga biktima na sina Ginaly Cadap, 27-anyos at kanyang mga anak na dalawang taon gulang at apat na taong gulang.

Hindi naman nasugatan sa insidente ang driver ng sasakyan at tatay ng pamilya na si PO2 Jefferson Cadap na nakadestino sa La Trinidad Municipal Police Station.


Nabatid na paakyat sa Kennon Road ang sasakyan nang biglang nabagsakan ng malaking tipak ng bato ang harapang bahagi nito dahil sa magkakasunod na insidente ng rock fall.

Dahil sa insidente, pansamantalang isinara ang Kennon Road pero muli naman itong binuksan matapos ang clearing operation ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Facebook Comments