ROAD ACCIDENT | 44 bus ng Dimple Star, nasa kustodiya ng PNP

64

Manila, Philippines – Kinumpirma ng PNP Region 4B na nasa kustodiya nila ang 44 na bus ng Dimple Star kasunod ng suspensiyon ng kanilang operasyon.

Kinumpirma ni Superintendent Imelda Vasquez PIO ng MIMAROPA Police na 22 sa mga bus ay nasa Occidental Mindoro Provincial Police Office habang ang 22 pa ay nasa grandstand ng Police Regional Office.

Base na rin sa direktiba ni Chief Superintendent Emmanuel Licup, hepe ng Region 4B PNP sa mga hepe ng pulisya sa Mindoro na pigilin ang lahat ng bus ng Dimple Star.

Mga galing o patungo ng Maynila at Roxas Iloilo ang nasabing mga bus.

Kaugnay nito, kinumpirma rin ng pulisya na kaninang 4 ng umaga, nailipat na ng Dimple Star sa ibang mga sasakyan ang may 400 pasahero nito na patungo ng Iloilo.

Facebook Comments