ROAD ACCIDENT | 5-anyos na bata, patay matapos masalpok ng pick-up na minamaneho ng isang kapitan ng barangay

Davao Occidental – Patay ang isang limang taong gulang na batang lalaki matapos na mabangga ng isang pick-up na minamaneho ng isang barangay kapitan sa Sta. Maria, Davao Occidental.

Sa ulat, hindi na umabot sa ospital ang biktima matapos mabangga ng pick-up na minamaneho ni Kapitan Renato Uralde kung saan nahulog din ang nasabing sasakyan sa Kumasi Bridge sa Barangay Basiawan, Sta. Maria.

Sugatan din ang kapitan na si Uralde ng Barangay Talogoy, Malita, Davao Occidental matapos ang insidente.


Sinasabing nagbiyahe ang mula sa Sta. Maria at papunta ng Malita ngunit nawalan ito ng kontrol sa saksakyan kaya at nasalpok ang bata na naghihintay ng bus kasama ang kanyang ina at lola.

Facebook Comments