ROAD ACCIDENT | 8-anyos na bata, patay matapos mabangga ng isang pampasaherong bus sa Batangas

Batangas – Patay ang isang 8-anyos na bata matapos mabangga ng pampasaherong bus ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Santo Tomas, Batangas.

Ayon sa ama ng biktima, marahan naman ang pagpapatakbo niya sa motorsiklo nang bigla na lamang gumawi sa kanilang linya ang bus kaya at tumilapon sila sa kalsada.

Naaresto naman ng mga otoridad ang driver ng bus na si Jessie Congayo.


Gayunman, pinakawalan rin matapos makipag-areglo ng pamunuan ng bus sa pamilya ng biktima.

Facebook Comments