ROAD ACCIDENT | Chinese national, patay sa aksidente sa Quezon Province

Quezon Province – Patay ang isang Chinese national matapos bumangga ang sinasakyan nilang kotse sa konkretong bakod sa Quezon Province.

Nakilala ang nasawi na si Hui Mao habang sugatan naman ang mga kasama nito na sina Gheng Bi, Guxiang Mu, Zhang Muhuo at ang pinoy na si Manuel Ramos na driver ng SUV.

Sa ulat, nawalan ng kontrol ang driver na si Ramos sa pakurbadang daan sa national highway kaya at bumangga sila konkretong bakod ng Department of Public Works and Highways (DPWH).


Sugat sa kanilang mga katawan ang nakuha ng apat habang dead on arrival sa ospital si Mao.

Facebook Comments