ROAD ACCIDENT | Dalawa, sugatan sa aksidente sa Sampaloc, Maynila

Manila, Philippines – Sugatan ang dalawang rider matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang 10 wheeler truck sa Sampaloc, Maynila.

Wala pang pag kakakilanlan ang dalawang biktima na kasalukuyang ginagamot sa isang ospital dahil sa sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa driver ng 10 wheeler truck na si alyas Boy, galing sila sa Balot, Tondo at papunta sana sa Baclaran.


Pagsapit sa intersection ng Lacson at Fajardo, naka-go ang traffic light sa kanilang linya pero biglang sumulpot ang motorsiklo mula sa ibang direksyon at bumangga sa kanila.

Nabatid na walang helmet ang mga nakasakay sa motorsiklo nang mangyari ang aksidente kung saan patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments