ROAD ACCIDENT | Isa ang patay, 20 ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang isang pampasaherong jeep sa bayan ng Miag-Ao, Iloilo

Iloilo – Isa ang patay habang 20 ang sugatan matapos mahulog ang isang pampasaherong jeep sa bangin sa bahagi ng Barangay Igbita at Tigmalapad, Miag-Ao, Iloilo kahapon ng hapon.

Sinabi ni Miag-Ao Mayor Macario Napulan, dinala sa Pedro Trono Memorial District Hospital sa Guimbal, Iloilo at West Visayas State University Medical Center ang mga sugatan kung saan kabilang dito ang punong barangay ng Tigmalapad.

Kinilala naman ang namatay na si Adora Parochelin.


Paliwanag ni Napulan, tumatakbo paitaas ang jeep na puno ng pasahero ng may nahulog na bagahe.

Dahil dito, kinatok ng mga pasahero ang jeep na tumigil muna upang kunin ang kahon ngunit dahil nasa alanganing lugar, dumausdos ang jeep hanggang nahulog sa bangin na may taas na hindi hihigit sa 30 talampakan at nagpagulong-gulong ng tatlong beses.

Facebook Comments