ROAD ACCIDENT | Isa patay, apat sugatan sa banggaan ng tricycle at SUV sa San Juan, Batangas

Batangas – Patay ang isang lalaki sa banggaan ng tricycle at SUV sa San Juan, Batangas.

Sakay ng tricycle ang biktimang si Antonio Carredo at kanyang pamilya nang mabangga sila ng isang SUV na minamaneho naman ni King Philip Limbo.

Sugatan naman ang mga kasama ni Carredo na sina Biador Evangelista Jr., Dolores Carredo, Editha Evangelista at Judith Ann Evangelista.


Hawak naman na ng mga otoridad ang driver ng SUV.

Facebook Comments