ROAD ACCIDENT | Isang guro, patay matapos mabangga ng truck ang sinasakyang motorsiklo sa Isabela

Isabela – Patay ang isang guro habang sugatan ang ama nito matapos mabunggo ng truck sa Barangay Alibadabad, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Jeffrey Gelacio habang sugatan ang kanyang amang si Romeo Gelacio.

Pauwi na ang mga biktima sakay ng motorsiklo nang makasalubong ang truck na minamaneho ni Ronald Clavero.


Agad na namatay si Jeffrey habang malubhang sugat sa katawan ang tinamo ng kanyang ama na idinala sa pribadong pagamutan ng lungsod ng Cauayan.

Iginiit ng driver na dahil sa makapal na usok sa daan kaya at hindi niya napansin motorsiklo ng mga biktima.

Facebook Comments