ROAD ACCIDENT | Isang high school principal, patay matapos maaksidente sa Anda, Pangasinan

Pangasinan – Patay ang isang high school principal matapos aksidenteng mabangga ang sinasakyang motorsiklo sa Anda, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Benjamin Caacbay, 54-anyos na residente ng Barangay Cabuyao sa bayan ng Bolinao.

Sa imbestigasyon, nag-over take ang principal pero nawalan ito ng kontrol sa kaniyang motorsiklo saka dumiretso sa shoulder ng kalsada.


Tumilapon sa gutter ang biktima kaya at nagtamo ito ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Agad isinugod sa pagamutan si Caacbay ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Facebook Comments