ROAD ACCIDENT | Isang lalaki patay matapos mabangga ang sinasakyang sidecar

Cagayan – Patay ang isang lalaki habang lima ang sugatan matapos mabangga
ang sinasakyan nilang sidecar sa bayan ng Iguig, Cagayan.

Sa ulat, tumilapon ang mga pasahero ng sidecar matapos mabangga ng closed
van kung saan nasagasaan pa ang ulo ng biktimang si Oliver Taganna kaya at
hindi na ito umabot pa ng buhay sa ospital.

Sa imbestigasyon, mabilis ang pagpapatakbo ng closed van na minaneho ni
Marcelo Par nang ito ay unang bumangga sa bahagi ng tulay bago tuluyang
masalpok ang sidecar ng mga biktkima.


Nagpapagaling naman na ang limang iba pa na nasugatan sa insidente habang
inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek.
<#m_7384180708173885350_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments