ROAD ACCIDENT | Lady enforcer ng MMDA, nabundol ng armored van sa QC

Manila, Philippines – Nabangga ng armored van ang isang lady enforcer ng MMDA sa Edsa-Baliwag sa Quezon City.

Alas 10:00 kaninang umaga, nagmamando ng trapiko si Traffic Constable 3 Maricel Gammad at nakapwesto sa may yellow lane tapat ng ES Transport NB.

Galing naman ng Aurora Tunnel ang armored van, may plakang WHZ 330 at minamaneho ni Dennis Ellaraiz nang mag-overtake ito sa sasakyan sa kanyang unahan at hindi napansin si Gammad.


Unconscious na isinugod sa East Avenue Medical Center ang biktima matapos magtamo ng head injury, parietal bleeding at abrasion.

Nakikipag-ugnayan na ang MMDA sa pamilya ni Gammad.

Facebook Comments