ROAD ACCIDENT | Mag-pinsang babaeng menor de edad na sakay ng motorsiklo, sugatan matapos sumemplang

Manila, Philippines – Malubhang pinsala sa ulo at katawan ang natamo ng mag-pinsang menor de edad matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Moriones, Tondo, Maynila.

Sa ulat, mabilis ang takbo ng 14-anyos na driver na si Danica Janme Rosales habang angkas ang pinsang si LJ Miranda, 16-anyos.

Dahil dito, sumemplang sa kanto ng Abad Santos ang mag-pinsan kung saan sa lakas ng impact ay tumilapon ang mga ito.


Nabatid na parehas na walang lisensya at walang helmet ang mag-pinsan na kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Facebook Comments