Iloilo – Patay ang mag-asawang sakay ng ambulansya mula sa bayan ng San Miguel papunta ng ospital sa lungsod ng Iloilo kahapon ng madaling araw.
Ito ay matapos binangga ito ng isang SUV mabilis ang takbo sa intersection ng barangay Hibao-An Norte, Manuddiao, Iloilo City.
Kinilala ang mga namatay na sina Ramero at Rosalie Sampani ng bayan ng San Miguel.
Napag-alaman na sinamahan ng asawa na si Rosalie ang kaniyang mister upang magpa-dialysis sa ospital ngunit sinalubong sila ng naturang aksidente.
Samantala, patay rin ang tricycle driver na si Remuel John Labordo ng Lambunao, Iloilo at ng hindi pa nakilalang pasahero nito matapos nabangga sila ng isang truck sa Passi City, Iloilo alas 11 kahapon ng umaga.
Sinasabing papunta ng bayan ng Calinog ang truck na minamaneho ni Wilfredo Araquil ng San Rafael, Tapaz, Capiz ng banggain nito ang naturang traysikel kung saan sugatan ang driver nito at pasahero na agad namang isinugod ng ospital ngunit ideneklarang dead on arrival.
Agad namang sumuko sa mga otoridad ang driver ng truck at nakatakdang sampahan ng karampatang kaso.