ROAD ACCIDENT | Motorcycle rider, patay matapos madamay sa banggaan ng jeep at kotse sa Pasig City

Pasig City – Patay ng isang motorcycle rider matapos madamay sa banggaan ng isang pampasaherong jeep at kotse sa kanto ng F. Manalo Street at Caruncho Ave. sa Barangay Malinao, Pasig City.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, binabaybay ng jeepney na minamaneho ni Jonathan San Pedro ang F. Manalo Street nang pumalya ang makina nito at bumangga sa isang kotseng minamaneho naman ni Ronnie Gregorio Pikol.

Dito na nahagip ang motor ng biktimang si Jasyon Dumanog at sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon pa ang biktima.


Dead on arrival si Jayson matapos na magtamo ng matinding pinsala sa ulo.

Nakahanda na ang kaukulang kasong isasampa laban sa driver ng jeepney.

Facebook Comments